Sa masigasig na pamumuno ng City Agriculture Office, katuwang ang Bulacan Agriculture State College at Asia Society for Social Improvement and Sustainable Transformation (ASSIST), matagumpay na naisakatuparan ang unang araw ng pagsasanay tungkol sa Good Agricultural Practices (GAP) nitong ika-9 ng Enero, 2025.

Ang ๐‘ฎ๐’๐’๐’… ๐‘จ๐’ˆ๐’“๐’Š๐’„๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’ ๐‘ท๐’“๐’‚๐’„๐’•๐’Š๐’„๐’†๐’” (GAP) ay isang sistema ng pamantayan sa pagsukat ng ligtas at likas-kayang produksyon ng mga pananim. Binubuo ito ng apat na haligi: ligtas at dekalidad na pagkain, kakayahang pang-ekonomiya, likas-kayang kapaligiran, at pagtanggap ng lipunan.

Ayon kay Supervising Agriculturist Rebecca S. Hernandez, 50 magsasaka mula sa Barangay Ligas, Bungahan, Dakila, Sumapang Bata, at Sumapang Matanda ang dumalo sa unang araw ng pagsasanay, kung saan, mas papalawakin ang kaalaman ng mga magsasaka hinggil sa Project YABONG.

Dagdag pa niya, ang Project YABONG ay isang kolaborasyon ng ASSIST at Royal Eijelkamp ng Netherlands na gumagamit ng makabagong teknolohiya tulad ng ๐’“๐’†๐’Ž๐’๐’•๐’†, ๐’…๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’•๐’‚๐’, ๐’‚๐’• ๐’„๐’๐’๐’–๐’…-๐’ƒ๐’‚๐’”๐’†๐’… ๐’”๐’š๐’”๐’•๐’†๐’Ž๐’” upang mapabuti ang lupa at tubig sa sakahan.

Kung matatandaan, ang Royal Eijelkamp pauna ng nagkabit ng ๐‘บ๐’๐’Š๐’, ๐‘พ๐’‚๐’•๐’†๐’“ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ต๐’–๐’•๐’“๐’Š๐’†๐’๐’• ๐‘บ๐’š๐’”๐’•๐’†๐’Ž sa Lungsod ng Malolos noong ika-28 ng Hunyo 2024. Simula noon, aktibong nagbibigay ng pagsasanay ang lokal na pamahalaan para sa tamang paggamit ng teknolohiyang ito.

Sa unang bahagi ng seminar, ipinaliwanag ni Inh. Emil B. Gulapa mula sa Bulacan Agriculture State College ang mga hakbang upang maiwasan ang labis na paggamit ng chemical fertilizer.

Tinalakay niya ang kalusugan ng lupa, kabilang ang tamang uri para sa halaman, kahalagahan ng ๐’๐’“๐’ˆ๐’‚๐’๐’Š๐’„ ๐’Ž๐’‚๐’•๐’•๐’†๐’“, ๐’”๐’๐’Š๐’ ๐’„๐’๐’๐’”๐’†๐’“๐’—๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ at ugnayan ng hangin at tubig. Binanggit din ang ๐‘บ๐’๐’Š๐’ ๐‘ฏ๐’†๐’‚๐’๐’•๐’‰ ๐‘จ๐’”๐’”๐’†๐’”๐’”๐’Ž๐’†๐’๐’•, ๐‘ป๐’†๐’”๐’•๐’Š๐’๐’ˆ, ๐‘บ๐’‚๐’Ž๐’‘๐’๐’Š๐’๐’ˆ, at mga ๐’„๐’‰๐’†๐’Ž๐’Š๐’„๐’‚๐’, ๐’ƒ๐’Š๐’๐’๐’๐’ˆ๐’Š๐’„๐’‚๐’, ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‰๐’š๐’”๐’Š๐’„๐’‚๐’ ๐’‘๐’“๐’๐’‘๐’†๐’“๐’•๐’Š๐’†๐’” ng lupa.

Sa ikalawang bahagi ng pagsasanay, tinalakay ni Dr. Meriam F. Sulit, dalubhasa sa Soil and Water Management, ang ugnayan ng lupa, tubig, at halaman. Ipinaliwanag niya ang tamang uri ng lupa, paggamit ng pataba, at pagpapabuti ng kalidad nito, pati na rin ang pagsukat ng nutrients tulad ng ๐’‘๐™ค๐’•๐™–๐’”๐™จ๐’Š๐™ช๐’Ž, ๐™ฅ๐’‰๐™ค๐’”๐™ฅ๐’‰๐™ค๐’“๐™ช๐’”, ๐™˜๐’‚๐™ก๐’„๐™ž๐’–๐™ข, ๐’๐™ž๐’•๐™ง๐’‚๐™ฉ๐’†, ๐™–๐’• ๐’„๐™ค๐’๐™™๐’–๐™˜๐’•๐™ž๐’—๐™ž๐’•๐™ฎ, gamit ang mga modernong tools.

Sa ikatlong bahagi ng seminar, tinalakay ni Dir. Rael C. Tejada ang agricultural systems, mga suliranin sa sektor, programa ng pamahalaan, at ang halaga ng pananaliksik at teknolohiya sa pag-unlad ng agrikultura at ekonomiya.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, pinangunahan ni Inh. Nelson Silverio ang demonstrasyon ng operasyon ng ๐’˜๐’‚๐’•๐’†๐’“ ๐’”๐’š๐’”๐’•๐’†๐’Ž. Ipinakita niya ang tamang paggamit ng ibaโ€™t ibang bahagi ng sistema, kabilang ang pagsukat ng ulan, tubig, at ๐’Ž๐™ค๐’Š๐™จ๐’•๐™ช๐’“๐™š ๐™ก๐’†๐™ซ๐’†๐™ก ng lupa.

Ang mga nakalap na datos ay ipinapadala sa isang ๐’๐’๐’๐’Š๐’๐’† ๐’‘๐’๐’‚๐’•๐’‡๐’๐’“๐’Ž na pinapagana ng ๐’Š๐’๐’•๐’†๐’“๐’๐’†๐’• ๐’‚๐’• ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ด-๐’ƒ๐’‚๐’”๐’†๐’… ๐’•๐’†๐’„๐’‰๐’๐’๐’๐’๐’ˆ๐’š. Itinuro rin niya ang wastong paraan ng pagkuha ng soil samples sa lalim na 20 cm, 40 cm, at 60 cm upang matiyak ang maayos na pagsusuri ng lupa.

Inaasahan na ang nasabing pagsasanay ay magpapatuloy hanggang sa ika-30 ng Enero.