Ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ngayong araw, ika-03 ng Hunyo, kaalinsabay ng lingguhang pagtataas ng watawat ang mga Malolenyong nagbigay ng angking galing sa iba’t-ibang larangan.

Binigyang pagkilala ang mga miyembro ng BulSU Hyper Dynamics Dance Troupe na nagkamit ng kampeon sa Culture and Arts Association of State Universities and Colleges (CAASUC) III Regional Competition 2023 na isinagawa sa Tarlac State University gayundin sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) National Competition 2024 na ginanap naman sa Philippine Normal University.

Kabilang sina Leopoldo Alberto C. Macaspac ng Brgy. Caniogan, Symon Pagtalunan ng Brgy. Sto. Rosario, Nathaniel Joshua P. Sapida ng Brgy. Bulihan, Feri Grace C. Galvan at Adwene Cliff A. Estrada ng Brgy. Look 1st, Jesulito Naval ng Brgy. Taal, Paolo M. Juan at Jerome Paulo Miro ng Brgy. Sumapang Matanda, Sherilyn Delos Reyes ng Brgy. Panasahan, Ariana Kyla Tuliao ng Brgy. Sto Rosario at Jomaico Louie M. Gonzales ng Brgy. Caingin.

Samantala, binigyang pagkilala rin ng Malolos PNP si Patrolman Elmer F. Tuazon Jr. bilang “Idol of the Month” for May 2024.

Pinakilala rin ang mga bagong halal na miyembro ng Lupon Tagapamayapa sa Lungsod ng Malolos.

Sa huling bahagi, nagtanghal ang mga kampeon sa PASUC 2024 ng Bulacan State University.

Dumalo at nakiisa sa nasabing gawain si Konsehal Abgdo. NIño Bautista.