Lubos ang naging pasasalamat ng mga manlalarong sina Reymond Alferos, Ian Tagudan, Gilbert Rutaquio, at Jihan De Macuta sa Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor Christian D. Natividad, City Administrator Joel Eugenio, Chief of Staff Ferdie Durupa, City Social Welfare and Development Office Head Lolit SP Santos, RSW, Executive Assistant Omar Magno, at CMO-Sports Division Head Toti Villanueva dahil tinulungan silang makauwi muli dito sa Lungsod ng Malolos mula sa Bislig, Surigao noong ika-4 ng Pebrero.

Ang mga nasabing manlalaro ay lumahok sa Laban ng Lahi 4th Edition noong January 28 at nagwagi bilang 3rd place sa Platoon Run. Ayon kay Jihan De Macuta, maayos naman ang lahat mula nang dumating sila sa Bislig Surigao. Maayos ang event, pagkain, transportasyon at tulugan ngunit noong kasalukuyang ginagawa ang awarding ceremony ay hindi na nagpakita ang mga organizer upang iabot ang premyo at ang plane tickets pabalik ng Maynila.

Gayunman, mabilis ang naging aksyon ng Pamahalaang Lungsod at agad nagkaroon ng komunikasyon sa mga manlalaro kung saan pinadalhan ito ng tulong-pampinansyal upang makabili ng plane ticket.