Matagumpay na naipamahagi ang National Social Pension para sa ikatlong kwarter ng taon sa 1,282 indigent senior citizens sa Lungsod ng Malolos. Ang pamamahagi ay ginanap sa Malolos Sports and Convention Center noong ika-24 ng Setyembre 2024.

Ayon kay Analiza R. Fuentes, CSWDO Staff, ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng P3,000 pension para sa buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre. Ang pamamahagi ng social pension ay hinati sa dalawang clusters kung saan 27 barangay ang nakatanggap ng benepisyo sa umaga na may kabuuang 697 benepisyaryo, at 24 barangay naman sa hapon na may 585 benepisyaryo.

Dagdag pa rito ang maayos na koordinasyon ng 51 pangulo ng Senior Citizen sa lungsod ng Malolos.

Ang programang ito ay sa pamamagitan ng Pamahalaang Nasyunal katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office, Pamahalaang Lungsod ng Malolos, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), Federation of Senior Citizen Association of the Philippines (FSCAP),City Administrator Office at City Treasury Office.

Dinaluhan ni City Administrator Joel S. Eugenio ang nasabing pamamahagi ng Social Pension.