Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos si Mr. Rex Munsayac Dela Cruz sa pagkamit ng top 3 sa Master Electrician Licensure Examination na may marka na 88.30

Gayundin ang pagbati sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Local Rescue Team bilang Runner Up FOR WATER SEARCH AND RESCUE (WASAR) sa ginanap na 12th Bulacan Rescue Olympics (La Niña Challenge) noong ika-22 ng Setyembre 2024 na ginanap sa San Rafael River Adventure, San Rafael Bulacan.

Dumalo at nakiisa sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Konsehal Abgdo. Niño Carlo C. Bautista, Konsehal Ega Domingo, Konsehal Ninong Michael Aquino at City Adminstrator Joel S. Eugenio.