Muling binuksan ang isang exhibit ng City Social Welfare and Development Office bilang bahagi ng selebrasyon ng 18 day Campaign to End Violence Against Women, na may temang Journey Towards a VAW-Free Malolos.
Dito matatagpuan ang iba’t-ibang klase ng Art Pieces na sumasalamin sa mga hangarin at adhikain ng lokal na pamahalaan para sa isang VAW-Free Malolos.
Ayon kay Jinky Joy Del Rosario RSW, Chief of Social Services Division ang programang ito ay ikatlong exhibit na simula noong 2022.Ang unang exhibit na nagtampok ng mga Malolenyo Artists mula sa mga sectoral groups sa ating lungsod, ang ikalawa naman ay mula sa mga public schools habang mga artists naman mula sa private at public schools ang tampok ngayong taon. Ayon din sa kanya hangad ng exhibit na ito na lalo pang mapalawak ang kamalayan nang hindi lamang mga kababaihang Malolenyo kung hindi pati ang mga anak nito sa kanilang mga Karapatan.
Ayon sa datos na nakalap ng National Demographic Health Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority, 1 sa 4 na Filipina na nasa edad na 15-49 ay nakaranas ng pisikal, emosyonal at sekswal na pangaabuso mula sa kanilang asawa. Kaya naman dahil dito, minarapat ng pamahalaang nasyonal na magsagawa ng solusyon at mga programang tutugon sa problemang Violence Against Women and Children. Isa na dito ang 18 day Campaign to End Violence Against Women sa bisa ng Proclamation 1172 S.2006.
Dumalo at nakiisa sa naturang programa ang ilang mga kawani ng CSWDO sa pangunguna nila Jomo Caluag, Pop Com Division Head at Jinky Joy Del Rosario RSW Social Services Division Head, mga kinatawan mula sa BJMP at Malolos CPS, City Architect Aaron Solis at Assistant City Administrator Gertrudes De Castro.
Inaasahang patuloy na ipagdiriwang ang 18day Campaign to End VAW hanggang sa ika- 12 ng Disyembre 2024.