Pagpupulong ng COVID-19 Task Force Meeting kasunod ng pagkakadeklarang Alert Level 3 status ang Lalawigan ng Bulacan nitong ika-5 ng Enero, 2022.
Ayon kay City Administrator Luisito Zuñiga, sa loob lamang ng isang araw ay nakapagtala ang lungsod ng 102 kaso ng COVID positive. Sa kasalukuyan, 16 ang naka-admit sa isolation facility ng lungsod.

Tinalakay sa naturang meeting ang mga bagong ipapatupad na guidelines sa lungsod gayundin ang mga hakbangin ng pamahalaang lungsod upang mapigilan ang pagdami ng mga cases.

Ibinalita naman ni CDRRMO Head Butch Caluag na 95% na ng mga 18 and above sa lungsod ang nababakunahan.

Ilan sa mga napagkasunduan ay ang pagpapaigting ng paggamit ng safetyseal.ph gayundin ang paghihigpit sa mga lugar kung saan posibleng magkaroon ng gathering kagaya ng malls at mga restaurants.

Antabayanan ang susunod na post para sa mga ipapatupad na panuntunan dito lamang sa Malolos City Information Office.