Ang tema ng Anibersaryo ay Kongreso ng Malolos: Patnubay sa Pagtataguyod ng Nagkakaisang Bansa.

Sa bating-pagtanggap ni Mayor Christian D. Natividad, ibinahagi niya ang katapangan at paninindigan ng mga Malolenyo at Pilipino upang magkaroon ng Unang Kongreso na nabuo sa Lungsod ng Malolos.

Nagbigay din ng mensahe ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas na si Sara Z. Duterte bilang panauhing pandangal ng programa.

“Ang demokrasyang tinatamasa natin ngayon ay naipanalo ng ating mga bayani dahil sa kanilang pagmamahal sa Pilipinas at mga Pilipino. Ang pagmamahal sa bayan ang naging sandigan ng kanilang tapang.”

Dagdag pa ni VP Duterte, mahalaga ang pagdiriwang ng Kongreso ng Malolos dahil ito ang naging hudyat sa pagsilang ng Republika ng Pilipinas na nagbigay sa atin ng kalayaan.

Dumalo rin sa pagdiriwang sina Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, District Representatives, Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista, mga kagawad, Department of Education at iba pa.