
Isinigawa sa Barcie International Center, tinatayang umabot sa 27 barangay ang sumailalim sa Incident Command System- Executive Course. Hangad ng pagsasanay na ito na maitaguyod ang maayos na koordinasyon, maayos na command structure at epektibong paggamit ng nga resources sa panahon ng sakuna.
Ayon sa paliwanag ni Edmundo Antenor Bulacan PDRRMO, muli niyang binalikan ang mga naging problema sa mga nakaraang naganap na sakuna. upang nang sa gayon ay mas maging epektibo ang magiging tugon ng mga kinauukulan sa mga kalamidad na darating. Dagdag pa niya, importanteng mapagaralan at matukoy ang mga problemang ito upang agaran itong mabigyan ng solusyun at nang ito ay hindi na maulit.
Binigyang pansin din sa pagsasanay ang maayos at planadong pagoorganisa ng mga malalaking kaganapan, kasama din dito ang pagtutukoy sa mga tungkulin at mga kailangang gawing aksyon at pagaatang ng mga ito sa mga taong may rwesponsibilidad dito. ito naman ang isa sa mga binahaging kaalaman ni Rita Libiran ng Bulacan DRRMO.
Bilang pagtatapos, nagsagawa ng iba’t- ibang exercise para sa mga kalahok upang malaman kung gaano kalawak ang ang kanilang natutunan sa naturang pagsasanay.
Binigyan naman ng pasasalamat ni Katrina Pia Pedro LDRRMO IV ang lahat ng nagsidalo, at nangakong patuloy ang mga isasagawa nilang pagsasanay upang maihanda ang mga Malolenyo sa mga darating kalamidad at sakuna.
Dumalo at nakiisa bilang kalahok ang ilang mga kapitan, mga opisyales at mga kawani ng barangay samantalang nagsilbi naman bilang mga resource speakers sina Edmundo Antenor at Rita Libiran ng Bulacan DRRMO, PLTCOL ALfred Canlas Pampanga PPO, SFO1 Fritz Perez- BFP Bacolor at Angelo SImbol ng UP Tarlac Campus.
Inaasahang magpapatuloy ang Incident Command System- Executive Course Batch 2 bukas na gaganaping muli sa Barcie International Center .