Muling naisagawa ang medical mission na “Let’s be Healthy Together” sa Brgy. Caingin. Ito ay mula sa inisyatibo ni Kon. JV Vitug alinsunod sa isnusulong na adbokasiya ni Punong Lungsod Christian D. Natividad na maibaba at maihatid ang mga pangunahing serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga barangay.
Ilan sa mga serbisyong naihatid ang pagbibigay ng libreng gamot, konsultasyon, libreng checkup sa mata, libreng laboratory and diagnostic test para sa hemoglobin, uric acid, total cholesterol, fasting blood sugar (FBS) at 12-L ECG.
Ayon kay Konsehal JV Vitug, umabot hanggang 380 na Malolenyo ang nabigyang tulong medikal sa Brgy Caingin, habang ikadalamput isa naman ito sa buong Lungsod ng Malolos na nakatanggap ng serbisyo.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga opisyal ng Brgy.Caingin at napabilang sila sa mga barangay na napuntahan ng programang ito.
Naging katuwang din sa nasabing programa ang TeleCure Medical and Diagnostic Center kasama ang ilang volunteers mula sa Divine Polytechnic College.
Dumalo at nagpakita ng suporta sa programa ang Sangguniang Barangay ng Caingin, sa pamununo ni Kap. Robin Cruz at ang Sangguniang Kabataan sa panunguna naman ni SK Jasper Joren Aguirre.
Inaasahang tuloy-tuloy ang magiging pagikot ng programang “Let’s be Healthy Together” sa mga susunod na linggong darating