Muling naisagawa ang medical mission na “Let’s be Healthy Together” sa Brgy. Look 2nd. Ito ay mula sa inisyatibo ni Kon. JV Vitug alinsunod sa isnusulong na adbokasiya ni Punong Lungsod Christian D. Natividad na maibaba at maihatid ang mga pangunahing serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga barangay.
Ilan sa mga serbisyong naihatid ang pagbibigay ng libreng gamot, konsultasyon, libreng checkup sa mata, libreng laboratory and diagnostic test para sa hemoglobin, uric acid, total cholesterol, fasting blood sugar (FBS) at 12-L ECG.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga opisyal ng Brgy.Look 2nd at napabilang sila sa mga barangay na napagkalooban ng serbisyo nito.
Katuwang sa programa ang TeleCure Medical and Diagnostic Center kasama ang ilang volunteers mula sa Divine Polytechnic College.