
Ginanap ngayong araw, ika-29 ng Mayo, 2025 ang pagpupulong ng mga opisyal ng Information Officers of Bulacan (InfoBul).
Pinangunahan ng Pangulo ng samahan, Regemrei P. Bernardo (LGU Malolos) ang Gawain kung saan kaniyang tinalakay ang inisyal na detalye kaugnay ng isinusulong na mga proyekto ng samahan na may kaugnayan sa Media and Information Literacy, at responsableng paggamit ng Artificial Intelligence.
Ani Bernardo, napapanahon ang usapin hinggil sa paggamit ng Artificial Intelligence.
‘’We don’t see AI as threat, but more of a tool that we can use to become more productive and efficient in the workplace.’’, dagdag pa niya.
Isa naman sa mga minungkahi ni Shane Velasco ng PIA -Bulacan ang pagkakaroon ng pag-aaral upang buhayin ang Bulacan Communication Network, upang mas mapalawig pa ang pagpapakalap ng mga makabuluhang impormasyon sa mga Bulakenyo.
Nabigyang diin din sa pagpupulong ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Governance (DILG) at Philippine Information Agency (PIA) para sa ikatatagumpay ng mga nasabing proyekto.
Inaasahan ang paghahain ng mga proyektong tinalakay sa mga kasapi ng samahan, na gaganapin sa buwanang pagpupulong sa Hunyo.
Dumalo sa pagpupulong sina Vilma B. Santos (LGU Balagtas), Bryan Ocampo (LGU San Jose Del Monte), Shane Velasco (PIA-Bulacan) Vince Concepcion (PIA- Bulacan), Jireh Witty Fabian (DILG- Bulacan), Gerald Cabarler (DILG- Bulacan), Penny C. Chiapco (PPAO), Czarina Tolentino (PPAO), at Provincial Government of Bulacan – PPAO Head, Katrina Anne B. Balingit.