May kabuoang 33 trainees ang nagtapos at tumanggap ng Certification mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos. 13 dito ay mula sa kursong Food and Beverage Services NC II at 20 trainees naman ay nagmula sa Beauty Care NC II.

Ayon sa mensahe ni Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad, hinimok niya ang mga nagsipagtapos na patuloy na magsumikap na makakuha ng karagdagang kaalaman na makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang mga kabuhayan sa mga susunod na panahon.

Dumalo sa naturang pagtatapos sina CTECO Training Division Focal Person Cherry Mendoza, CTECO Division Chief Marianne Mendoza at CTECO OIC Inh Reynaldo Garcia.