Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Conciousness Week Against Counterfeit Medicines ay nagsagawa ng seminar na may temang “ Advancing Vigilance and Solidariyy Against Counterfeit Medicines: Kolaborasyon, Edukasyon, at Aksyon ay tutukan Upang Paglaganap ng Pekeng Medisima ay Malabanan ng Lokal na Pamahalaan at ng Mga Mamamayan!” ang Food and Drug Administration (Region III) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ng Tanggapan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), Community Pharmacist Association of DSAP – Bulacan at Drugstore ASsociation of the PHilippines – Bulacan Chapter sa 4th Floor Auditorium New City Hall, Bulihan, City of Malolos, Bulacan.
Layunin ng nasabing seminar na ito na palakasin ang kaalaman ng mga Health Workers at mamamayan hinggil sa tamang pagkilala ng mga counterfeit na gamot na ibinebenta sa mga hindi akreditadong establisyimento ng FDA gayundin ang mga tagagawa nito.
Ayon kay Virginia P. Timbol, RPh, MHcA Food-Drug Regulation Officer IV – Regional Supervisor ng FDA, malimit na ipinapatupad ng kanilang tanggapan ang mahigpit at maayos na proseso ng pagaapruba ng mga produktong inilalabas sa merkado na hindi lamang nakalimita sa mga pagkain bagkus kasama na rin dito ang mga: Human and animal drugs, Medical biologics, Medical devices Food (including animal food), Tobacco products, Cosmetics, at Electronic products that emit radiation.
Tinalakay naman ni Diana Mae C. Castro, RPh Food-Drug Regulation Officer II ang tamang paraan ng pagtalakay ng mga counterfeit o pekeng gamot sa pamamaraan ng pagtingin ng mga sumusunod: proper package labeling, manufacturer, color of the medicine.
Dagdag pa niya, maaaring sumangguni sa official website ng FDA para tingnan ang lahat ng FDA-approved na mayroong New Drug Application (NDA) number at Abbreviated New Drug Application (ANDA) number naman para sa mga generic human drugs.
Kaniya ring ibinahagi na ilan sa mga gamot na kanilang napatunayang couterfeit ay ang mga sumusunod:
1. Phenylephrine HCl / Chlorphenamine Maleate / Paracetamol (Bioflu®) 10 mg / 2 mg / 500 mg Film-Coated Tablet
2. Ibuprofen / Paracetamol (Alaxan®FR) 200 mg / 325 mg Capsule
3. Ibuprofen (Medicol®Advance) 200 mg Softgel Capsule
4. Phenylpropanolamine HCl / Chlorphenamine Maleate / Paracetamol (Decolgen®Forte) 25 mg / 2 mg / 500 mg Tablet
5. Phenylephrine HCl / Chlorphenamine Maleate / Paracetamol (Neozep® Forte) 10 mg / 2 mg / 500 mg Tablet
6. Dextromethorphan HBr / Phenylephrine HCl / Paracetamol (Tuseran® Forte) 15 mg / 25 mg / 325 mg Capsule
7. Naproxen Sodium (Flanax®Forte) 550 mg Tablet
8. Mefenamic Acid (Dolfenal®) 500 mg Film-Coated Tablet
9. Mefenamic Acid (Gardan®) 500 mg Tablet
10. Loperamide (Diatabs®) 2 mg Capsule
11. Loperamide (Imodium®) 2 mg Capsule
12. D-Alpha Tocopherol (Vitamin E) (Myra E) 400 IU Capsule
13. Aluminum Hydroxide / Magnesium Hydroxide / Simeticone (Kremil-S®) 178 mg / 233 mg / 30 mg Chewable Tablet
Dumalo at nakiisa sina Director Gomel C. Gabuna, LLB, MDM, CESE, FDA-NLC Cluster Director, Atty. Aida S. Bernardino OIC ng BPLO, Mga Pharmacist mula sa iba’t ibang bayan sa Bulacan, City of Malolos Barangay Captains, at mga Barangay Health Workers (BHW).