Nagkamit ng ikatlong pwesto ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos, City Agriculture Office at Barangay San Pablo sa isinagawang Validation – Provincial Category ng Gulayan sa Barangay 2024 na isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office III sa Royce Hotel, Clark Freeport Zone, Mabalacat, Pampanga.
Layunin ng proyektong Gulayan sa Barangay na mapalakas ang kamalayan ng bawat barangay at mamamayan hinggil sa pagkakaroon ng isang “community-driven” projects na siyang maaaring gawin sa mga kabahayan sa pamamagitan ng pagrerecycle ng mga distilled water na lalagyan at pagtatanim ng mga binhi gaya ng sili, petchay, lettuce, atbp.
Pinangunahan ng Kapitan ng San Pablo na si Ronaldo DC. Santos ang proyekto, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa ilalim ng pamumuno ni Abgdo. Christian D. Natividad at ng City Agriculture Office na pinamumunuan ni Dr. Romeo S. Bartolo Ph.D., L.Agr.
Isang karangalan para sa Barangay San Pablo at sa buong Malolos na maging bahagi ng pagpapalaganap ng makakalikasang mga proyekto sa buong Lungsod.