Pasadong muli ang Lungsod ng Malolos sa 2022 good financial housekeeping.

Kung matatandaan ay kinilala rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos noong 2021. Ito ay bunga ng epektibo at episyenteng paggasta ng pondo ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang masiguro na nagagamit ang pondong nakalaan sa mga programa at proyektong para sa ating mga kababayan.

Ang Good Financial Housekeeping (GFH) ay ibinibigay sa mga LGU na may exceptional fiscal management at financial transparency.
Ito rin ang isa sa ginagawang basehan upang parangalan ang isang lokal na pamahalaan ng seal of good local financial transparency.

Ang karangalang ito ay dapat na ipagbunyi ng bawat Maloleño, dahil ito ang isa sa mga patunay sa magandang adhikain ng kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad kasama ng mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos sa pangunguna ni Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista.