Laptops, pinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Daycare Workers at mga SK Chairman nitong ika-03 ng Pebrero, 2022. 55 units ng laptop computers ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Daycare Workers, habang 50 units naman ang ipinagkaloob sa mga SK Chairman.

Kasama rin sa mga ipinagkaloob ang ilang mga accessories katulad ng USB flash drive at mouse. Sa pagpapaliwanag ni Mayor Bebong Gatchalian, ang pagbibigay ng mga laptop computers ay isa sa mga munting paraan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na makaagapay sa gawaing pangbarangay ng mga SK Chairman at Daycare Workers lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Binahagi naman ni Kon. Niño Bautista na pagkakalooban rin ng internet allowance ang mga Daycare Workers. Nakadalo rin sa gawain sina Lolita SP Santos, RSW, Kon. Ega Domingo, Kon.Patrick Dela Cruz at LGOO Digna Enriquez.