380 barangay health workers, nakatanggap ng tig-iisang medical kit mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Sa kwento ni Punong Lungsod Bebong Gatchalian, sa kanilang paglilibot sa mga vaccination sites sa lungsod, iisa ang nagiging reklamo sa kanila ng mga barangay health worker—ang kawalan ng pangkuha ng blood pressure at kagamitan. Kung kaya’t sa tulong ng Committee on Appropriation na pinangungunahan ni Kon. Niño Bautista, agad silang naghanap ng pondo na maaaring mailaan sa pagbili ng mga medical kit para magamit ng mga barangay health worker.

Ang bawat medical kit na natanggap ng mga BHW ay naglalaman ng nebulizer, blood glucose meter, sphygmomanometer, thermometer, at oximeter.

Kinilala naman ni Committee on Health Chairman Kon. Ega Domingo ang kadakilaan at puso para sa pagsisilbi ng mga BHWs lalo na sa nakalipas na mahigit dalawang taon na kumaharap tayo sa pandemya.

Samantala, bagbigay naman si City Health Office OIC Dr. June Baquiran ng ilang mga paalala kung paano gagamitin ang mga kit at mga tamang pagkakataon na gamitin ang mga ito.

Kasabay nito ay kinilala naman ang 13 BHWs na nasa edad 65 na at nananatili pa ding nagseserbisyo. Ibinalita din ni Kon. Niño na i-eextend ang kanilang pagseserbisyo ng karagdagang isang taon.

Kinilala din ang pangulo ng Samahan ng mga Barangay Health Workers na si G. Dennis Tagaduar dahil sa kanyang ipinakitang kasipagan at kahanga-hangang dedikasyon sa kanyang tungkulin.

Ang programa ay ginawa nitong ika-28 ng Enero at dinaluhan nina Kon. Kiko Castro, Kon. Mikki Soto, at Kon. Rico Capule.