
Bilang bahagi ng mga paghahanda para sa paggunita ng Araw ng Watawat sa darating na ika-28 ng Mayo at Araw ng Kalayaan sa ika-12 ng Hunyo, isinagawa kaalinsabay ng lingguhang pagtataas ng watawat nitong ika-26 ng Mayo ang pamamahagi ng mga watawat ng Pilipinas sa iba’t ibang National Agencies na matatagpuan sa Lungsod ng Malolos.
Layunin ng inisyatibang ito na palakasin ang diwa ng nasyonalismo at pagmamalasakit sa bayan, kasabay ng pagpapalaganap ng kamalayan sa kahalagahan ng ating mga pambansang simbolo, tulad ng watawat. Dagdag pa rito ito ay sumasalamin sa misyon ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na itaguyod ang kasaysayan at pamana ng kultura ng Pilipinas.
Ang Malolos, na kilala bilang makasaysayang sentro ng Unang Republika ng Pilipinas, ay muling nagsisilbing mahalagang lugar sa paggunita ng mga makabayang selebrasyon ngayong taon.
Personal na tinanggap nila Chief Inspector Antonio de Jesus Jr ng BFP, CLGOO Digna Enriquez LGOO VI ng DILG, PLTCOL Rommel E. Geneblazo, COP ng Malolos PNP, Schools Division Superintendent Leilani S. Cunanan, CESO V ng DepEd Malolos, Abgdo. Normita S. Busangilan ng COA at JCINSP Edwin G. Bulatao ng Malolos BJMP. Dumalo at nakiisa rin sina City Administrator Joel S. Eugenio, Assistant City Administrator and OIC of Tourism Division Gertudes N. De Castro, Chief of Staff Fernando E. Durupa, Konsehal Edgardo “Mr. Rescue” F. Domingo, at Konsehal Victorino “Troi” G. Aldaba III.