
Isinigawa sa ikalawang pagkakataon ngayong taon 2022 ang City Anti-Drug Abuse Council meeting sa CA Conference room. Ito ay pinangunahan ni CADAC Vice-Chairperson PLTCOL Ferdinand D. Germino.
Ang nasabing pagpupulong ay may layuning mas lalo pang paigtingin ang kampanya kontra-droga sa ating lungsod. Kung matatandaan, isa ang Laban kontra Droga sa mga pangunahing plataporma ni Punong Lungsod Christian D. Natividad noong siya ay tumatakbo pa lamang. Isang patunay nito ay noong nagtala ang ating lungsod ng 4595 Drug Surrenderees na pinakamarami sa buong Bulacan.
Samantala sa ulat naman ni PLT Christopher F. Magallanes, 8 sa buong 51 barangays ang Drug-free na. Ito ay ang barangay ng Sto. Niño, Cofradia, Niugan, Calleligawan, Balite, Mambog, Calero at Babatnin. May karagdagang 6 pa na barangay ang kasalukuyang sumasailalim sa proseso sa PDEA level samantalang 12 barangay naman ang kasalukyang nasa proseso sa barangay level.
Ilan pa sa mga tinalakay ang mga sumusunod:
– ang pagdagdag kay Konsehal Noel Sacay at ABC President Dionisio Mendoza bilang miyembro ng CADAC
– ang pagbibigay ng direktiba sa mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na maging mas aktibo sa pakikipagtulungan sa CADAC
– ang pagbibigay ng incentives/rewards sa mga barangay na agarang tatalima sa direktibang ito.
– ang muling pagbubukas ng Bahay Silangan (dating Bahay Pagbabago)
– ang pagkakaroon ng mga Faith-based Counsellors para sa mga Drug Surrenderees sa Bahay Silangan
– ang pagtatakda ng mga pagpupulong tuwing ikatlong Martes ng unang buwan kada quarter.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Konsehal Niño Bautista, LGOO VI Digna A. Enriquez, Malolos City P/Capt. Ernesto H. Clemente II, City Executive Judge Nemencio V. Manlangit, City Prosecutor Aldrin Evangelista, CADAC Focal person Noel “Asiong” Acuna at iba pa.