
Aprubado na sa lebel ng lupon ang kautusang kikilala sa mga natatanging Maloleño na nagkaroon ng kontribusyon sa larangan ng sining, politika, kabayanihan atbp.
Sa nasabing pagdinig, nilahad ni Konsehal Abgdo. Niño Carlos Bautista, may akda ng naturang kautusan ang mga silid o bulwagang ipapangalan sa mga Maloleñong nagbigay ng parangal sa ating lungsod at nagkaroon ng malaking impluwensya sa ating buhay bilang Maloleño. Ito ay ang mga sumusunod:
-Kautusang Panglungsod Blg. 34-2022- nagtatadhana ng pagpangalan ng People’s Lounge bilang Pedro Ladia People’s Lounge
-Kautusang Panglungsod Blg. 35-2022- nagtatadhana ng pagpangalan ng City Administrators Conference room bilang Don Antonio Bautista Conference room.
-Kautusang Panglungsod Blg. 36-2022- nagtatadhana ng pagpangalan ng City Mayor’s Conference room bilang Gen. Isidoro Torres Conference room.
-Kautusang Panglungsod Blg. 37-2022- nagtatadhana ng pagpangalan ng City Engineering/City General Services Conference room bilang Gregorio Crisostomo Conference room
-Kautusang Panglungsod Blg 38-2022- nagtatadahana ng pagpangalan ng Auditorium bilang Ernani Cuenco Auditorium.
Sinangayunan naman ng kumite ang naging mungkahi ni Kon. Troi Aldaba III, na sinusugan ni Jose Ruel Paguiligan ng NHCP, ang pagpapangalan sa itinatayong Hall of Justice bilang parangal kay Sen. Nicholas Buendia kaysa sa Basketball Court sa harap ng Malolos City Sports and Convention Center na isang pansamantalang istruktura at akma sa kaniyang mga naging kontribusyon sa lipunan.
Nagpahayag naman ang mga kamaganakan ng paparangalan ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa ipinakitang pagpapahalaga ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Nagsidalo naman sa naturang pagdinig ang mga konsehal na sina Nino Bautista, Noel Sacay, Ayie Ople, Troi Aldaba, SK Chairman Patrick Delacruz , ABC President Dionisio Mendoza at Vice Mayor Migs Bautista. Dumalo din naman sa pagdinig ang mga kamaganakan ng mga paparangalan na sina Karen Bautista-Cortez, Lori Bautista-Delos Santos, Helsie Ladia- Mangalino, Ma. Saturnina Parungao, Gerry T. Navarro at si National Historical Commission of the Philippines Curator Jose Ruel Paguiligan.