Ang inagurasyon at ribbon-cutting ceremony ay dinaluhan nina Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista, City Administrator Joel S. Eugenio, Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Leilani Cunanan, Sir John Joshua Cudia, School head-Calero ES, at Sangguniang Barangay ng Calero sa pamumuno ni Kap. Ruben Paraiso.

Ang 3 silid-aralan na mayroong kabuuang sukat na 1,351 sq. meters ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ni Mayor Christian D. Natividad upang mas madami pang mga mag-aaral ang mabigyang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kakayahan.

Kung matatandaan, nakapaglaan ng P15 Million pondo mula sa Special Education Fund noong taong 2022 para sa pagtatayo ng karagdagang mga silid-aralan sa Calero Elementary School, sapagkat ang Calero ES noon ay mayroon lamang dalawang classroom na nilagyan ng maliliit na dibisyon upang maturuan ang 184 nitong mga estudyante. Kinakailangan din na magkaroon ng shifting schedules ang mga mag-aaral upang magkasya sila sa classroom.

Dahil sa patuloy na lumalaking populasyon ng mga mag-aaral sa nasabing eskwelahan, pinagsumikapan ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapatayo ng karagdagang classroom upang matugunan ang pangangailangan nito.

(Photo Credits to G. Parrenas)