Sa pangunguna nina Elisa D. Macapagal, Supervisor ng Malolos Pampanga, at Yentl Hernandez, Sales & Customer Service Associate, nailunsad ang PLDT Home Booth na handang tugunan ang pang-telekomunikasyon na pangangailangan ng Malolenyos.

Ang PLDT Home ay handang mag-alok ng serbisyo para sa mga nag-aapply ng bagong business permit o nagre-renew ng kanilang negosyo pati na rin sa billing at repair concerns. Bahagi ng kanilang inisyatibo ang pagbibigay ng libreng 1GB internet access upang masiguro ang tuluy-tuloy na online connectivity sa paligid ng Liwasang Republika .

Ang programang ito ay nagsimula noong ika-9 ng Enero at magtatagal hanggang ika-17 ng Enero, 2025.

Bukod sa libreng WiFi, bukas din ang PLDT Home na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para sa mga Information Education Campaigns at iba pang community-based projects.

Ang PLDT Home ay nananatiling committed na maging katuwang ng komunidad sa pagpapabuti ng digital access at serbisyo sa lungsod ng Malolos.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang mga serbisyo, maaaring bisitahin ang link na ito https://perfmon.pldthome.com/apply/SSC_CENTRAL_LUZON