Mula sa pakikipagtulungan ng City Health Office – Dental Division sa pangunguna ni Dentist IV Don Don Bautista, at Person with Disability Affairs Office sa pamumuno ni Adrian C. Adriano, matagumpay na naisagawa ang programang “Konsulta sa Dentista”.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng bunot at dental cleaning sa mga benepisyaryo nito.

Ani, City Dentist Bautista, lingguhang isinasagawa ang kanilang proyekto.

“Dahil sa Malolos, bawat Malolenyo may dentista, bawat pamilyang Malolenyo, may dentista”, dagdag pa niya.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng CHO-Dental Division o tumawag sa 0962-552-3187 o (044) 931-8888.