
Sa isang buong araw ng matinding sigawan, nag-aalab na musika, at nagkakaisang puso, muling umalingawngaw sa Lungsod ng Malolos ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng Rakpublika 2025. Bitbit ang temang βπΌπ πππ πππππ€, πΌπ πππ π΅ππππ, πΌπ πππ πππππππβππ,β ginanap ang libreng konsiyertong ito sa bagong Malolos Amphitheater at Banchetto Open Grounds bilang pagdiriwang ng ating kasarinlan at pagpupugay sa Unang Republika ng Pilipinasβang kauna-unahang republika sa buong Asya.

Sa taunang pagdaraos, muling pinatunayan ng Rakpublika 2025 na ang musika ay hindi lamang isang anyo ng aliwan kundi isang makapangyarihang instrumento ng pagkakaisa. Sa dalawang entabladong nakalatag, nagsanib-puwersa ang ilan sa mga kilalang banda ng lokal na rock at reggae sceneβWilabaliw, Saydie, Chocolate Factory, The Chongkeys, at P.O.T kasama rito ang ilang mga lokal musikero mula sa lungsod. Sa kanilang matitinding riff, matapang na liriko, at walang humpay na enerhiya, ginising nila ang diwang makabayan ng libu-libong MaloleΓ±o at mga bisitang nakiisa.

Ang Rakpublika ay isang pagkilos na mapagtibay ating identidad bilang isang bansang malaya. Sa bawat awiting sinabayan ng libu-libong tinig, damang-dama ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa sariling kultura. Ito ay isang patunay na ang kalayaan ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan kundi isang adhikain na patuloy nating ipinagbubunyi at ipinaglalaban hanggang sa mga susunod na henerasyon.
Mabuhay ang Unang REPUBLIKA sa ASYA! Mabuhay ang Bansang PILIPINAS!! Mabuhay ang Lunsod ng MALOLOS!!! Isang sigaw! Isang bansa! Isang pagmamahal! Itong Pambansang Alay LIBRE HABAMBUHAY!