Naiuwing muli ng Robinsons Place Malolos ang korona sa katatapos lang na 10th Fire Olympics 2025 na ginanap sa Malolos Digital Amphitheater. Kung matatandaan unang naging kampeon ang Robinsons Place Malolos noong 2024 kung saan nagwagi din sila bilang overall champion.

Mula sa pangunguna ng Malolos City Disaster and Risk Reduction Management Office at Bureau of Fire Protection, ang Fire Olympics ay naglalayong lalo pang paglinangin at paghusayin ang mga kalahok sa kanilang mga kaalaman sa pagpuksa ng sunog at iba pang Fire Related Emergencies.

Ang mga kalahok ay nagpaligsahan sa mga kategoryang tulad ng Bucket Relay, Hose Laying and Busted Hose Connection, Rescue and Transfer Relay at Flammable Liquid Fire Extingusihment. Pinaglabanan din naman ang Best Muse at Best Uniform.

Ayon kay CDRRMO Chief Katrina Pia Pedro, ang mga ganitong paligsahan ay nagpapakita ng kahandaan ng Lungsod ng Malolos sa pagharap sa anu mang sakuna lalong lalo na sa banta ng sunog. Patunay din aniya ito ng maayos na relasyon ng lokal na pamahalaan at ng mga barangay at mga institusyong nasasakupan nito.

Sa Mensahe naman ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad, binigyan niya ng pagkilala at pasasalamat ang lahat ng kalahok sa sinseridad at dedikasyon ng mga ito sa pagnanais nitong makatulong sa ating lungsod. Ayon din sa kanya, nakahanda ang administrasyong Natividad-Bautista na umalalay sa mga barangay na kailangan ng tulong lalong -lalo na kung ang ibig sabihin nito ay ang pagliligtas ng buhay at ng ari-arian.

Nagsipagwagi rin ang mga sumusunod:

Best in Muse (Brgy. Caingin)

Best in Uniform (Brgy. Barihan)

Best in Bucket Relay (Department of Education Team V)

Best in Hose Laying , and Busted Hose Replacement: (Robinsons Place Malolos)

Best in Rescue, and Transfer Relay (Department of Education Team V)

Best in Flammable Liquid Fire Extinguishment (Department of Education Team III)

Second Runner Up

Tan Su and Sons

First Runner Up

Department of Education Team V

Overall Champion Fire Olympics 2025

Robinsons Place Malolos

Dumalo bilang kalahok ang mga barangay ng Guinhawa, Barihan, Bulihan, Caingin, Anilao, Caniogan, Pinagbakahan, Look 1st, Bungahan, Longos at Mojon, mga private companies na Tan Su and Sons Corp at Robinsons Place Malolos at 5 koponan mula sa Department of Education.

Naging panauhin naman sina Kapitan Fortunato Ramos ng Sumapang Matanda, CDRRMO Chief Katrina Pia Pedro, FCINSP Antonio C De Jesus, Malolos City Fire Marshal, Cynthia Briones SGOD Chief, Krizza Andrea Garcia PDO II Patrick Dela Cruz Chief of Staff , Office of the Vice Mayor at Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad. Samantala nagpakita naman ng suporta ang mga Kapitan ng Barangay na sina Colbert Oczon ng Look 1st, Christoper Bernardo ng Barihan, Paul Richard Concepcion ng Guinhawa at Ernesto Tobias ng Caniogan.