
Lungsod ng Malolos — Patuloy na nagbibigay ng Social Pension ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga nangangailangan, lalo na sa mga solo parent at Persons with Disability (PWD) sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
lsinagawa noong, ika-22 Ng Marso ng CSWDO ang payout para sa mga benepisyaryo ng Social Pension para sa mga solo parent at PWD sa lungsod. Layunin ng programang ito na maibsan ang pasanin ng ating mga kababayang solo parent at may kapansanan, lalo na sa gitna ng patuloy na hamon ng kabuhayan.
Ang nasabing social Pension ay bahagi ng regular na tulong pinansyal na ibinibigay ng lokal na pamahalaan upang masiguro na hindi napapabayaan ang sektor ng solo parents at PWDs. Isang paraan ito upang maipadama sa kanila na may gobyerno silang maaasahan at handang sumuporta sa kanilang pangangailangan.
Nasa dalawang libo ang kabuuang bilang ng solo parent at PWD ang nakatanggap ng kanilang social Pension para sa unang kwarter ng taong ito, na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center(MSCC) .
Maayos at organisado ang naging daloy ng pamamahagi sa tulong ng CSWDO staff at mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Patuloy namang hinihikayat ng CSWDO ang iba pang solo parents at PWD sa Malolos na magparehistro at mag-update ng kanilang records upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-avail ng benepisyo.
Ang programang ito ay patunay ng malasakit at pagtutok ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa kapakanan ng bawat Maloleño, lalo na sa mga sektor na mas nangangailangan ng suporta.