Nagsagawa ng seminar ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) bilang bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women na dinaluhan ng mga Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), Barangay Health Workers (BHW), at Konsehong Panlungsod para sa Kababaihan (KPK) mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Malolos.

Ang seminar ay pinangasiwaan ni Attorney Jaymart I. Manalili ng Public Attorneys Office (PAO) kung saaan tinalakay at binigyang-linaw niya ang Safe Space Act o Bawal Bastos Law. Ipinaliwanag niya ang mga hakbang na maaaring gawin upang makapagsampa ng reklamo sa mga ka-catcalling, sexist, mga nambu-bully o nanghaharass sa mga transgender at iba pa.

Tinalakay din ni Manalili ang RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na nagbibigya proteksyon sa kababaihan at bata na inaabuso. Pinaliwanag din kung paano makakapagsampa ng kaso sa mga mapangabuso na lumalabag sa nasabing batas.