
Sinimulan na ang programang π»πππ, π©πππ! π»πππππππ π·ππππππ na dinaluhan ng unang batch ng mga College Students ng Bulacan State University mula sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office, Department of Education, Region III, at Ateneo Center for Educational Development.
Layunin ng programa na mapalakas ang suporta ng pamilya at komunidad sa mga elementary students na nahihirapang magbasa at / o πππ-ππππ πππ gayundin ang pagbibigay tulong sa mga college students na kasapi ng πππ ππππππ ππππππππ at kasalukuyang nag-aaral sa mga State Universities and Colleges na siyang magsasagawa ng mga tutoring session na may kabuuang 20 araw.
Ilan sa mga proyekto na nakapailalim sa π»π©π»π· ay; Tutorial Sessions for Struggling / Non-Readers Elementary Students, Cash-for-work for Families, Capability Building for Learning Facilitators and Youth Development Workers, Sessions with Parents at, Cash-for-work for Learning Facilitators and Youth Workers.
Mayroong kabuuang 13,188 na incoming Grade 2 learners ang tuturuan ng 1,319 na college students na may 1:10 ratio, at magkakaroon ng 264 college students na magiging Youth Development Worker (YDW) na mangunguna sa Nanay-Tatay Teacher Session para sa mga magulang ng 13,188 learners na may 1:50 ratio.
Binahagi ni Rowena Regine Andrada mula sa Ateneo Center for Educational Development ang mga tips sa pagtuturo, pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat ng mga bata upang maging mabisa ang paraan ng kanilang pagkatuto at para na rin mahasa ang mga mag-aaral na magtuturo sa mga bata. Kabilang sa mga magtuturo ay mula sa Bachelor of Secondary Education, Bachelor of Elementary Education, Bachelor Technology Education, and other related courses.
Matatandaan, nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, Bulacan State University, at Department of Education noong ika-19 ng Marso ang kasunduang bubuo ng isang ππππππππ ππππππ πππππππ πππ π ππππππππππ πππ ππ, ng Tara, Basa! Tutoring Program.
Ang Tara, Basa Tutoring Program ay inaasahang magpapatuloy bukas, ika-19 hanggang sa ika-20 ng Hunyo.