
Sinimulan ng gawaran ng diploma ang unang batch ng mga mag-aaral na dumalo sa Moving Up Ceremony na ginanap sa Marcelo H. Del Pilar National High school, nitong ika-19 ng Marso, 2025, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na pinamumunuan ni Lolita SP. Santos, RSW.
Ito ay una sa anim na batch na magsisipagtapos. Ang unang batch na may kabuuang 414 mag-aaral, ay kinabibilangan ng mga Day Care centers mula sa barangay Atlag, Bagna, Bagong Bayan, Balayong, Balite, Caingin, Liang, Mabolo, Matimbo at San Agustin.
Sa pambungad na mensahe ni Konsehal Michael M. Aquino, pinuri niya ang pagsisikap ng mga bata at ang walang sawang suporta ng kanilang mga magulang at guro.
Samantala, nagbigay din ng mensahe si Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista at ipinaabot ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga magulang at guro na naging katuwang sa paghubog ng kanilang pag-uugali.
Ayon sa kaniya, ang pagtatapos na ito ay patunay ng pagsisimula ng kanilang pangarap, at ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ay patuloy na magsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.
βππ¦ πΈπͺππ π£π¦ πͺπ―π΅π¦π―π΅πͺπ°π―π’π π§π°π³ π΅π©π¦ π§πΆπ΅πΆπ³π¦ π°π§ πΊπ°πΆπ³ π¬πͺπ₯π΄β, ani Bautista.
Nagpaabot din siya ng suporta sa mga magulang at tagapangalaga na iparamdam ang pagmamahal sa mga bata at palalimin ang kanilang ugnayan habang maaga pa upang mapalakas ang malasakit sa isaβt isa.
Idinaos ang nasabing Moving Up Ceremony sa Marcelo H. Del Pilar National High School at dinaluhan ito ng mga kapitan mula sa 10 barangay. Inaasahan pang magpapatuloy ang iba pang batch ng Day Care Centers Moving Up Ceremony sa mga susunod na araw.