Isinagawa sa 4F Auditorium at tanggapan ng POPCOM, New City Hall ang National Validation kay Marilyn B. Domingo, Barangay Population Worker mula sa Barangay ng San Pablo kung saan ay sinuri at hiningan siya ng panayam kasama ang kaniyang mga kasangguni sa barangay gaya nina, Kapitan, Barangay Peers gayun na rin ang mga sumailalim sa kanyang mga “counseling” ng mga National Validators mula sa Commission on Population and Development – Central Office at CPD Region II sa pangunguna nina Ms. Lyra S. Borja CPD, Division Chief, Ms. Gemma R. Macatangay, DILG, Mr. Junmar C. Gonzales, FLEPOWPHIL, Ms. Cathleen Fritz D. Japitan, PPO II, CDFOD, CPD, Mr. Kevin P. Suela, 10 II, KMCD, Mr. Mike Policarpio, Regional Director Lourdes P. Nacionales, Ms. Isa Roane M. Chan, PPO III, Ms. Cristina R. Bondoc, Project Evaluation Officer I, Mr. Michael J, Cruz, CapDev Field Coordinator Bulacan.

Kung matatandaan kamakailan siya ay kinilala bilang “Most Outstanding Barangay Population Worker” | City Category ng buong Region III at ngayon at kumakandidato na masungkit ng pwesto sa National Level Award ng RMSKPA.

Si Marilyn B. Domingo ay labing-limang(15) taon nang Volunteer BPW sa San Pablo, siya ay nag umpisa na manungkulan noon taong 2007 hanggang sa kasalukuyang taon. Ayon sa kaniya, marami ng mga oportunidad ang lumapit at nagbukas, ngunit mas pinili niyang maglingkod sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo patungkol sa parenting, teenage pregnancy, atbp.

“Kahit sa maliit na bagay ay may naitutulong ka sa mga kabarangay mo, very rewarding, mas pinili kong makatulong sa mga kabarangay ko.” ani Domingo

Sa mensahe naman ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad kay Gng. Domingo, kaniyang binigyan pansin ang importansiya ng mga BPW hindi lang sa bawat Barangay kundi sa buong Lungsod ng Malolos. “Hindi ka lang volunteer, but a leader” saad ni Natividad.

Sa pagtatapos ng validation ay binigyang komendasyon nina Regional Director Nacionales at Division Chief Borja ang dedikasyon, sipag at pagmamahal ni gng. Domingo sa paglilingkod bilang Volunteer BPW.

Dumalo at nakiisa sa validation sina, Konsehal JV Vitug, City Administrator Joel S. Eugenio, CSWDO Head Lolita SP Santos- RSW, City Budget Officer Leilani O. Maclang, City Health Officer Dra. Minerva Santos, POPCOM Division Head Joemari S. Caluag PPO IV, Alexis Cruz, PPO I at mga kawani ng POPCOM Division.