10 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang matagumpay na nagtapos sa kursong Hilot (Wellness Massage) National Certificate II noong ika-15 ng Abril 2025, sa ilalim ng programa ng City Training Employment and Cooperative Office-City of Malolos Training Center.

Kung matatandaan, sumailalim ang nasabing PDL sa sampung (10) araw na Livelihood Skills Training noong Marso 2025,sila ay nabigyan ng kasanayan at kaalaman sa larangan ng kabuhayan.

Matapos ang pagsasanay, isinagawa ang opisyal na assessment para sa nasabing kurso, kung saan nakapasa ang lahat ng kalahok taglay ang markang 100% Competent.

Dumalo at naging bahagi sa isinagawang assessment at awarding ceremony sina Lorna G. Flores, Assessor, Mary Ann S. Navarra, Trainer at Cherry Mendoza, Focal Person ng Training Division na nagpahayag ng kanilang suporta at paghanga sa naging tagumpay ng mga PDL.

Ang ganitong inisyatibo ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na bigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga PDL sa pamamagitan ng makabuluhang edukasyon at pagsasanay.