Pinagpatuloy nitong ika-6 ng Pebrero ang pamamahagi ng Scholarship Grant mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagkakataong ito para naman sa mga magaaral ng Senior High o Financial Assistance for Senior High School (FASH) sa lungsod ng Malolos’

Kung mataandaan nauna ng naipamigay ang Anak ng Barangay Official Scholarship Program (ABOSP), Anak ng Barangay Official Scholarship Program (ABOSP), Anak ng Volunteer Scholarship Program (AVS), Alalay Paaral sa Kawani at Anak (APKA), Natatanging Mag-aaral na Malolenyo Scholarship Program (NMMSP), Vocational Course Scholarship Program (VCSP), at Tulong Pang-edukasyon sa Kabataang Malolenyo (TPKM).

Sa paglilinaw ni Ariel Santiago Scholarship Division Head, ang lahat ng programang nakapaloob sa MCDN Scholarship Program maliban sa FASH o Financial Assistance for Senior High students ay makakatanggap pa ng grant para sa ikalawang semestre sa darating na Marso o Abril. Ayon din sa kanya umabot ng hanggang 6000 magaaral ang nabigyan ng Scholarship Grant ngayong taon.

Bukod sa mga programang nabanggit, may 5 magaaral ng Abogasya ang tatanggap ng 30k kada semestre sa ilalim ng programang Abogado ng Masa at 1 magaaral naman mula sa kursong Medisina ang tatanggap ng 50k kada semestre sa ilalim naman ng programang Doctor to the Barrio.