Bilang bahagi ng Livelihood Program ng City Agriculture Office, malugod na tinanggap ng 140 mangingisdang Maloleño mula sa barangay ng Babatnin, Namayan at Masile ang Gillnet o Lambat na personal na inabot ni Dr. Romeo S. Bartolo Ph.D.,LAgr. May kabuoang 140 lambat o gillnet ang naipamigay, 62 para sa Brgy Namayan, 48 sa Brgy Masile at 30 naman ang para sa Brgy Babatnin.

Ayon kay Erica Vanessa Bulaong, Aquaculturist I, sinisikap ng kanilang tanggapan ang magpamigay ng mga gamit pangingisda taon-taon para sa ating mga mangingisda upang ng sa gayon ay makatulong ito na lalo pang mapaunlad ang kani-kanilang mga buhay. Kung matatandaan noong ika- 15 ng Enero taong kasalukuyan, 50 indigent mangingisdang maloleño naman ang nakatanggap ng 50,000 Tilapya Fingerlings mula din sa ating Pamahalaang Lungsod.

Dumalo at nakiisa naman sa naturang pamimigay si Omar Magno, Chief Executive Assistant IV bilang kinatawan ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad.