Nagsagawa ng paglilinis ang mga benepisyaryo ng TUPAD sa Lungsod ng Malolos bilang bahagi ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD nitong ika-11 ng Oktubre.
Kabilang sa mga lugar kung saan isinagawa ang paglilinis ay tabing kalsada ng National Highway simula Longos hanggang Tikay kasama ang ilang parte ng Malolos Bayan na kung saan ay mayroong 387 na benepisyaryong tricycle drivers ang nakibahagi sa gawain. Tatagal ng 10 araw ang nasabing programa.
Dinaluhan at nagsagawa ng check-up routine sina Ma’am Marianne DC. Mendoza at Engr. Reynaldo S. Garcia at iba pa upang masigurado na malilinis ang mga nasabing lugar sa National Highway at ilang parte ng Malolos Bayan.