Dalawang estudyante mula sa Lungsod ng Malolos, ang pinarangalan ng lokal na pamahalaan sa lingguhang pagtataas ng watawat, kasunod ng kanilang ipinamalas na natatanging kakayanang pang akademiko, na pinangunahan nina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, at Pangalawang Punong Lungsod Miguel Albero T. Bautista.

Si Althea Neriza Cruz, mula La Consolacion, ay nagkamit ng kampyonato sa nakaraang National Battle of Math and Science na isinagawa noong ika – 9 hanggang ika – 10 ng Marso sa University of Baguio.

Aniya, lubos ang kaniyang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad sa mga mag – aaral.

Isa rin aniya si Mayor Agila sa nagbibigay inspirasyon sa mga katulad niyang mag-aaral, upnag lalo pang magpursigi sa buhay.

Kinilala naman si Deborah Mosheh Acelajado mula sa Marcelo H. Del Pilar National High School, bilang finalist sa gaganaping Senior Secondary Group sa Hong Kong International Science Olympiad Heat Round sa darating na ika – 14 hanggang 15 ng Hunyo 2024.

Naging bahagi rin ng programa, ang pagbibigay pugay sa Bulacan Police Provincial Office ang Malolos PNP sa pagkamit ng Best Police Station for the Week (Zero Crime Incident for the Week) noong Semana Santa.

Kasabay din nito ang pagggawad ng scholarship grant para sa mga mag-aaral ng abogasya at medisina na sina, Maria Kristina Pingol Cruz , at Riza Jacqueline De Leon Sarmiento para sa Abogado ng Masa Scholars, at Jann Jareld Delino Perez, para sa Doctor to Barrio Scholar.

Sa pagtatapos ay inanunsyo ni G. Toti Villanueva na magsisimula na sa Linggo ang inter-barangay Softball Tournament.

Dumalo at nakiisa sina Konsehal Vitctorino “Troi” Aldaba III at ABC President Vicente “Jun” G. Cruz Jr.