Bilang pagpapatuloy ng tulong pangkabuhayan para sa mga indigent Maloleños, nagpamahagi ng panibagong 20 sewing machines ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang makadagdag sa pangangailangan ng mga benepisyaryo nito.

Matatandaan na noong Hunyo 14, 2023 ay nagpamahagi mismo personal si Mayor Christian D. Natividad kasama si Konsehal Troi Aldaba III ng 40 sewing machines sa mga indigent Maloleños kaakibat ang City Social Welfare and Development Office sa pagbibigay naman ng Certificate of Indigency sa mga ito.

Ang mga naging benepisyaryo ng mga sewing machine na ito ay ang mga direktang dumulog sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang humiling ng tulong pangkabuhayan