Inihandog ngayong araw, ika – 21 ng Hunyo ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bulacan at City Training and Employment Cooperative Office (CTECO) para sa mga Indigent Maloleño.
Ang DILP/Kabuhayan Program ay isang inisyatibo na naglalayong tulungan ang mga marginalized na manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan package na magagamit pang negosyo.
Sinimulan ang gawain sa isang seminar na pinangunahan ni Livelihood Development Specialist Abby Kaye D. Santos mula sa DOLE Bulacan. Tinalakay dito ang kahalagahan ng Entrepreneurship, Bookkeeping, Income Statement at Balance Sheet na makakatulong para sa pagnenegosyo. Pinaalalahanan ni Santos na hindi na maaaring mag-apply ang mga kasalukuyang benepisyaryo ng 4P’s at mga kawani ng gobyerno.
Ilan sa mga maaaring maging benepisyaryo ng Kabuhayan Package ang mga self-employed with insufficient income, marginalized and landless farmers, marginalized fish folks, unpaid family members, working women and youth, low-waged and seasonal workers, workers displaced or to be displaced, persons with disability, senior citizens, indigenous people, parents of child labors, former rebels, at victims of armed conflicts.
Magkakaroon muli ng Livelihood Awarding ang DOLE sa susunod na linggo.
Dumalo at nakiisa sa pamamahagi ng Livelihood Program sina DOLE Bulacan Chief LEO May Lynn C. Gozun, Chief of Staff Fernando Dorupa, CTECO OIC Engr. Reynaldo S. Garcia at PESO Manager Marrianne D.C. Mendoza para sa mga Maloleñong benepisyaryo.