Nagsagawa ng pagpupulong ang pinagsamang City Anti-Drug ABuse Council at City Peace and Order Council sa 4f Auditorium sa New Cityhall Bldg upang makapag-ulat ang mga miyembro ng CPOC at CADAC at mabigyan ng update ang bawat malolenyo sa mga programa at mga gawain ng lupon.

Ayon sa mensahe ni LGOO VI Digna Enriquez, binigyang diin nya ang patuloy na kooperasyon ng bawat barangay upang lalong maging matagumpay ang mga programang naglalayon na maiangat ang antas ng panunungkulan at mapababa ang krimen sa buong lungsod, hinikayat din niya ang lahat ng mga kapitan ng barangay na makiisa sa pagtugon sa mga requirements na kinakailangang isagawa ng isang barangay kaugnay ng mga programa sa kaayusan at kapayapaan. Aniya, patuloy na magiging bukas ang kaniyang tanggapan upang tumulong sa anumang problemang kanilang kakaharapin.

Binigyan importansiya naman ni Fiscal Aldrin Evangelista sa mga kapitan ng barangay ang iiwanang legasiya ng mga ito lalong-lalo na mga magsisipagtapos ng kanilang nga termino, sapagkat ito ang direktang sasalamin sa kanilang responsibilidad bilang ama o ina ng tahanan. Pinaalala din niya ang mga gampanin ng isang kapitan ng barangay.

Ayon naman sa naging ulat ni PLTCOL Andrei Anthony S Manglo, nilahad niya ang mga naging operational accomplishments ng ating kapulisan na may kasamang pagpaalala sa mga responsibilidad at mga gampanin ng barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kani-kanilang mga lugar. Kasama din sa paguulat ni PLTCOL Manglo ang mga sumusunod: pagpapatuloy sa pagpapatupad ng City Ordinance No.07-2004 mula sa 10:00pm-4:00am sa 8:00am -5:00am; pagpaapatuloy ng regular na pagikot ng mga Malolos CPS personnels sa buong lungsod kasama ang mga force multipliers, at ang naging paguusap sa pagitan ng Centro Escolar University at ng Malolos CPS patungkol sa kasalukuyang ginagawang Permanent Standard Police Community Precincts o PCPs sa tabi ng nasabing paaralan; pagbalangkas ng isang ordinansang magmamandato sa lahat ng mga 24-hour commercial establishments na magkaroon ng CCTVs at Security Guards.

Sa pagtatapos ng programa, nagkaroon ng masiglang diskusyon sa pagitan ng ating kapulisan, mga pinuno ng iba’t-ibang tanggapan at mga punong barangay ukol sa mga problema ng bawat barangay at sa mga posibleng solusyon sa mga ito.

Ang pagpupulong ay pinangasiwaan ni Executive Assistant IV ng City Mayors Office Omar Magno, kasama sina George Ariel Aldaba ng CPDO, LG00 VI Digna Enriquez ng DILG, Fiscal Aldrin Evangelista City Prosecutor , PLTCOL Andrei Anthony S Manglo ng Malolos CPS, JCI Willie T. Tinaza City Jail Warden at mga kapitan at representante ng barangay.