Isinagawa ngayong araw ang unang araw ng Lakbay Kasaysayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta ng Republica 2024. Alinsunod ito sa adhikain ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad na magsimula sa mga kawani ng Pamahalaang lungsod ng Malolos ang kamalayan sa kasaysayan ng lungsod.

Gamit ang kilalang jeepney na tinatawag na π‘˜π‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘‘π‘–π‘” dahil sa maliit na sukat na disenyo nito, inikot ang ilang mga makasaysayang lugar sa Malolos gaya ng Simbahan ng Barasoain Church kung saan itinaguyod ang Malolos Congress, Malolos Constitution at First Philippine Republic in the Philippines and Asia.

Kabilang din sa mga pinuntahan ang Casa Real Shrine o tinatawag ding Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas kung saan makikita ang mga β€œparaphernalia” na may kinalaman sa Kasaysayan ng Lungsod, Malolos Cathedral at kasama ang ilang mga Ancestral House sa Kalye ng Kamestizuhan gaya ng Don Antonio Bautista Heritage House.

Naging paksa naman ng mga curator at tourist guide ang 3 maaring pinagmulan ng salitang β€œMalolos”: π‘ƒπ‘Žπ‘™π‘’π‘ π‘™π‘œπ‘  na may kahulugang pag-agos, π‘€π‘Žπ‘™π‘’π‘™π‘œπ‘  o uri ng damo na tumutubo sa tabing-ilog at πΏπ‘œπ‘  π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘  dahil sa usap-usapan noong araw na matitigas β€œraw” ang ulo ng mga naninirahan dito.

Inaasahan ang pagpapatuloy ng Lakbay Kasaysayan hanggang ika-18 ng Enero 2024.