“Hindi ko na hihintaying may mawala pa sa Malolos.”
Mga salitang nagmula kay Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad. Ito ay kaugnay sa nangyaring pagkawala at pagpaslang sa ilang kababaihan sa karatig bayan ng Lungsod ng Malolos.

Ayon kay Mayor Agila, minarapat niyang maglaan ng pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa katauhan ng salarin na nasa likod ng krimen na ito.

Anumang impormasyon ang makarating sa inyong kaalaman ay maari po lamang na tumawag sa Malolos PNP 0933-610-4327/(044) 796-2483 at Malolos City Mayors Office (044)9318888 local 2201/2202