Ito ang pinakamataas na naabot ng Lungsod ng Malolos magmula noong 2014. Ayon sa datos ng CMCI noong 2019, bumulusok pababa ang bilang ng mga business at professional organization gayundin ang employment rate na nagresulta sa pagbaba natin sa ika-107th rank. Ngunit dahil sa pinagsama-samang resulta ng pagtutulungan ng bawat miyembro ng ating pamahalaan at inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon upang mas mapabuti at mapainam ang mga programa para sa ating mga kababayan, maraming nagbukas na mga negosyo na nagbigay ng oportunidad upang magkaroon ng mas maraming trabaho. Tumaas din ang kapasidad ng mga programang pangkalusugan at pang- edukasyon. Kung kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, sa kabila ng pandemya– itinanghal ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos na Most Improved City sa ilalim ng Component City category sa isinagawang pagpaparangal ng Department of Trade and Industry noong 2021.

Ipagbunyi mga Maloleño, sapagkat patuloy ang pag-angat ng ating lungsod na ngayon ay nasa ika-29th ng rank.Patunay ito na ang lahat ng hamon ay mapagtatagumpayan, kung tayo ay magkakaisa at magtutulungan.