![](https://maloloscity.gov.ph/wp-content/uploads/2022/05/scholar-1024x768.jpg)
Mula sa pakikipagtulungan ng City of Malolos Scolarship Association (CMSA), City Scholarship Technical Working Group at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian. Nabigyan ang may kabuoang 4556 kabataang maloleno ng Scholarship Grant para sa taong 2021-2022.
Nagsimula ang pamimigay ng scholarship grant noong ika-10 ng Mayo at natapos noong ika-18 ng Mayo ng kasalukuyang taon. At sa kagustuhang mapabilis ang pamimigay ng mga grant sa kabataang maloleno, minarapat ng Pamahalaang Lungsod na bumaba sa mga barangay upang personal na maiabot ang mga ito sa scholars ng Lungsod ng Malolos.
Ayon kay Ma. Theresa G. Valenzuela, Head ng Technical Working Group. Ang Scholarship Porgram ng Lungsod ng Malolos ay nahahati sa 6 na grupo. Ito ay ang Natatanging Mag-aaral na Maloleno Scholarship Program (NMMSP) kung saan tatanggap ang isang scholar ng P5000, Tulong Pang-edukasyon sa Kabataang Maloleno (TPKM) P3000, Anak ng Barangay Official Program (ABOP) P3000, Anak ng Volunteer Scholarship Program (AVSP)P3000, Vocational Course Scholarship Program (VCSP) P2500 at Financial Assitance for Senior High (FASH) na tatanggap naman ng P2000.