Matagumpay na naisagawa ang Integrated Planning Course on Incident Command System Training para sa mga piling kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, na ginanap nitong ika-16-20 ng Setyembre, 2024, sa Baguio City.

Ito ay sa pagtutulungan ng Office of the Civil Defense Region 3, at ng City of Malolos Disaster Risk Reduction Management Office sa pangunguna ni LDRRMO IV Kathrina Pia Pedro.

Layunin nito na paigtingin ang mga Incident Command Measures ng bawat tanggapang nakatutok rito upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan at maipagpatuloy ang katatagan ng lungsod sa anumang sakuna.

Mahigit kumulang na 35 na mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang sumailalim sa limang araw na IPICS Training Course.

Naging tagapagsanay sina Dr. Mike Kenneth A. Piluden ng Philippine Tactical rescue, Bureau of Fire protection OPFM, Bataan Francisco B. Pereña Jr, Bulacan PDRRMO Rita A. Libiran at Cheryl Lou S. Siccion ng Provincial Engineer’s Office- Bataan.

Dumalo sa gawain si City Administrator Joel S. Eugenio na kung saan ay kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagsasanay para mas mapaigting ang kakayanan at kaalaman sa pagtugon sa iba’t-ibang sakuna. Kaniya ring hinikayat ang bawat isa na ibahagi ang mga natutunan sa kani-kaniyang mga tanggapang kinabibilangan.

Sa pagtatapos ay pinasalamatan naman ni Dr. Piluden, kung gaano kalaki ang naging pagsuporta, maging ang magandang pagtanggap sa kanilang team ng LGU Malolos.