Mula sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST) at Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng Business Permit and Licensing Division sa pangunguna ni Atty. Aida Bernardino naisagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang Food Technology Forum sa New Cityhall building nitong ika-13 ng Setyembre 2022.

Ang DOST Food Technology Forum ay isang programang makapagbibigay ng karagdagang kaalaman sa MSME o Micro Small Medium Enterprises sa Lungsod ng Malolos patungkol sa tamang packaging at labeling ng kanilang mga produkto. Ang naturang forum ay magsisilbi ding oryentasyon sa DOST SETUP Program (Small and Medium Enterprise Technology Upgrade) na may layuning magpaabot ng kaaalaman sa mga makabagong teknolohiya na maaring magamit para sa lalo pang pagpapaganda, pagsasaayos at pagpapalawig ng kanilang mga produkto upang makasabay sa makabagong panahon.

Kung matatandaan isa ang mga small scale businesses ang lubhang naapektuhan ng problemang naidulot ng pandemya kaya naman ninais ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad na ito at mabigyang importansya at maging bahagi sa kanyang programang pangekonomiya.

Bukod sa mga inimbitahan na mga MSME, nagsidalo din sa forum at nagsilbing tagapagsalita sina Michael Carlo Mariano at Director Angelita Parungao ng DOST, Tessa Obrero, Pia Condemillicor at Jodie Asodisen ng San Miguel Corporation at Michael Salonga owner ng RJMS Packaging Corporation.