sinagawa sa Malolos Sports and Convention Center and Pugay Tagumpay 2024 kung saan 503 benepisyaryo mula sa Lungsod ng Malolos ang nagtapos sa ilalim ng programang 4Ps.
Ang 4Ps ay isang programa ng cash transfer ng Pilipinas sa ilalim ng DSWD na Ipinatupad sa ilalim ng Republic Act No. 11310 noong Abril 17, 2019 at may layuning labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash grants sa mga indigent na pamilya.
Sa pambungad na mensahe ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, kaniyang hinimok ang mga benepisyaryo na magpatuloy sa pagpapaunlad ng sarili at pamilya gayundin sa pagtulong sa komunidad para sa mas mataas na antas ng pamumuhay.
Ayon naman kay Armont C. Pecina serving OIC-Assistant Regional Director for Operations (ARDO) ng DSWD Field Office Central Luzon (FO-3), patuloy na pagbubutihin ng tanggapan ng Social Welfare and Development na makapagbahagi at magkapagbuo ng mga programang kakalinga hindi lamang sa bawat indigent na indibidwal bagkus pati mga pamilya.
Nagsagawa rin ng Ceremonial Turn-Over ng mga Case Folders ng mga magsisipagtapos na benepisyaryo ng 4Ps, Ceremonial Signing of Pledge of Commitment na mga Partners at Stakeholders, at Awarding ng Seedling, Livestocks, at Certificates sa mga Stakeholders.
Nagbahagi rin ng Testimonial Speech ang dalawang benepisyaryo ng 4Ps na sina Athena Vasquez ng Brgy. Sto. Rosario, at Princess Ann d. Dela Peña, LPT ng Brgy. Pamarawan.
Dumalo at nakiisa ang mga konsehal na sina Abgdo Niño Carlo C. Bautista, Therese Cheryll “Ayee” B. Ople, Kiko Castro, at Ega Domingo, kasama sina, City Administrator Joel S. Eugenio, CSWDO Department Head Lolita SP Santos, RSW, Division Head of Cooperative Mellany D. Catanghal, City Agriculturist Dr. Romeo S. Bartolo Ph.D., L.Agr., City Civil Registry Department Head Jocelyn A. Javier.