Sa idinaos na Exit Conference, karamihan sa mga Child Development Centers at Workers ang nakapasa sa pagsusuri ng Department of Social Welfare and Development Regional Office.
Ayon kay Lolit SP. Santos RSW CSWDO Head, nagsimula ang akreditasyon noong Pebrero 8-18 2022, ngunit nahinto ito dahil sa pandemya. Bagamat may ilan pang Day Care Centers ang kailangan pang patuloy na isaayos, magiging patuloy na makikipagtulungan ang CSWDO upang umalalay sa mga Day Care Centers sa Lungsod ng Malolos.
Ang nasabing programa ay dinaluhan nina Lucila P. Jasmin, Focal Person para sa mga Day Care Workers, Remedios C. Menes President City Federation of Day Care Workers, mga Kapitan at ang kani-kanilang Child Development Workers, Lolit SP. Santos CSWDO Head, Vice Mayor Elect Miguel Bautista at Punong Lungsod Inh Gilbert “Bebong” Gatchalian.