Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang kasalukuyang kalalagayan ng relokasyon ng mga apektadong pamilya ng North-South Commuter Railway Project (NSCR-N2).

Ayon kay Engr. Eugene N. Cruz, EN.P., ang resettlement site ng Lungsod ng Malolos ay matatagpuan sa Barangay Santor katabi ng Northville 8.

Sa pagpapaliwanag ni Mayor Bebong Gatchalian, dahil sa limitadong espasyo at resources ng Lungsod, isinasaalang-alang ng lokal na pamahalaaan na makapagtayo ng mga low-rise buildings upang matugunan ang pangangailangan sa tirahan ng mga maaapektuhan ng nasabing proyekto. Nilalayon din ni Mayor Gatchalian na maibibigay ang iba pang pangangailangan ng mga pamilyang apektado upang maisiguro ang magiging kalidad ng kanilang buhay kapag lumipat na sila sa relocation sites.

Tinalakay rin ang kalagayan ng mga polisiya ukol sa pagpili ng mga benepisyaryo ng pabahay. Ayon sa National Housing Authority, sa kasalukuyan, 49 na pamilya na ang kwalipikadong benepisyaryo ng pabahay.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng Department of Transportation, National Housing Authority, Department of Human Settlements and Urban Development at mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.