Ngayong Ika-17 ng Abril, 2024, idinaos ang π‘π‘™π‘œπ‘ π‘’π‘‘-π‘‘π‘œπ‘œπ‘Ÿ 𝑗𝑒𝑑𝑔𝑖𝑛𝑔 ng anim na pelikulang likha ng mga kabataan mula sa mga paaralan ng Lungsod ng Malolos na ginanap sa Teen Center ng Malolos City Population Welfare Division (MCPWD).

Kung matatandaan, isinagawa noong ika-3 ng Abril, 2024 ang Technical Assistance Workshop sa mga finalists ng nasabing programa, kung saan nabigyan ng gabay ang mga kalahok kung papaano pa maisasaayos ang kanilang pelikula mula sa inisyal na bersyon nito.

Muling binigyang diin ni G. Joemari S. Caluag, Population Program Officer IV ng MCPWD, na ang mga pelikulang ito ay tugon sa pagpapanatili sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng maagang pagbubuntis sa lungsod.

Isa aniyang halimbawa ang ganitong gawain sa tinatawag na π‘€β„Žπ‘œπ‘™π‘’-π‘œπ‘“-π‘›π‘Žπ‘‘π‘–π‘œπ‘› π‘Žπ‘π‘π‘Ÿπ‘œπ‘Žπ‘β„Ž na kung saan ay iba’t-ibang mga ahensya ang naging magkatuwang para sa iisang adhikain.

Dagdag pa niya, minarapat ang paglalagay ng π‘Žπ‘’π‘‘π‘–π‘’π‘›π‘π‘’ π‘Žπ‘‘ π‘ π‘œπ‘π‘–π‘Žπ‘™ π‘šπ‘’π‘‘π‘–π‘Ž π‘Ÿπ‘’π‘Žπ‘β„Ž sa mga pamantayan ng patimpalak, dahil naniniwala aniya siya na malaki ang maitutulong ng paglalagay ng mga pelikula sa π‘ π‘œπ‘π‘–π‘Žπ‘™ π‘šπ‘’π‘‘π‘–π‘Ž upang mas marami pang mga kabataan ang mabigyang kaalaman at kamalayan sa usapin ng π‘Ÿπ‘’π‘π‘Ÿπ‘œπ‘‘π‘’π‘π‘‘π‘–π‘£π‘’ β„Žπ‘’π‘Žπ‘™π‘‘β„Ž.

Bahagi rin ng pamantayan ang kaakmaan nito sa paksa, pagkamalikhain at screenplay, at teknikal na aspeto ng pelikula, na ipinaliwanag ni G. Regemrei P. Bernardo, Division Head ng City Information Office.

Kabilang sa mga sinuring pelikula ang β€œHaligi”- MMFSL, β€œBiyaya o Balakid”- PNHS, at 4 na pelikula mula sa MHPNHS na β€œMahuli Taya”, β€œLucy”, β€œSigaw sa Kawalan”, at β€œProben”.

Bilang pagtatapos, ay nagpasalamat si Salvador B. Lozano, ALS Focal Person,

β€œNapakalaki ng impact na nagagawa ng tanggapan ng Dibisyon ng Pangkagalingang Pampopulasyon para maipalaganap ang ganitong mga klase ng kamalayan hindi lamang sa mismong pagpapatupad ng programa kundi pati na rin sa mga kabataan na pangunahing makikinabang dito”- ani Lozano.

Pinatotohanan naman ito ni Lolita SP. Santos, RSW, pinuno ng departamento ng CSWDO, na sa pamamagitan ng tanggapan na nabanggit, nahihikayat at natutulungan ang mga kabataan na mamulat sa mga kasalukuyang isyung kinakaharap.

Ang tumayong mga hurado ay sina Regemrei P. Bernardo, Division Head ng City Information Office, Salvador B. Lozano, ALS Focal Person ng Department of Education, Jerryco Tanig, City Tourism Officer, Lolita SP. Santos, RSW, Department Head ng City Social Welfare and Division Office, Dr. Frederick Cesar Irineo T. Villano, OIC, at si Evangeline Paguntalan, Nutrition Officer ng City Health Office.