
Sa naturang pagpupulong ay isinagawa upang matukoy ang mga benepisyaro na makakatanggap ng pabahay mula National Housing Authority (NHA) at sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos na apektado ng North South Commuter Railways Extension Project (NSCR-Ex).
Sa kasalukuyan ay may 39 ng mga benepisyaryo ang nakatugon sa guidelines ng BSAAC (Beneficiaries Selection Arbitration and Awards Committee) habang 5 dito ay subject for appeal.
Ang bawat benepisyaro ay dumaan sa mahigpit na pre-qualification at validation mula sa National Housing Authority (NHA), Department of Transportation (DOTr) at ang barangay na nakakasakop sa bawat benepisyaro.
Kung matatandaan, ang LIAC ay ekslusibong binuo upang talakayin ang pagtatayo ng North South Commuter Railways Extension Project (NSCR-Ex) kahabaan ng McArthur Hiway at ang relokasyon ng mga Malolenong maapektuhan nito.
Samantala nabanggit din sa nasabing pagpupulong na ang 3storey building na itatayo sa Brgy Santor ay may 48 units at may initial cost na Php 862,500 per unit.
Bilang pagtatapos, magalang na hiniling ni Atty Christian Peter Bautista City Legal Officer na kung maari ay magsagawa ng Joint Validation kung saan makakasama ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. ito naman ay magalang na pinaunlakan ng kumite.
Ang susunod na Full Council meeting ng LIAC ay magaganap sa ika-20 ng Abril 2022.